Buksan ang tuntunan

Tungkol sa Katagaan

!!! GINAGAWA PA ANG BAHAGING ITO !!!

Ang Katagaang Tagalog ay pansamantalang nakabatay sa datos mula sa Diksiyonaryo.ph (na pagmamay-ari ni Virgilio S. Almario). Sa kalaunan, mapapalitan ito ng sarili nitong nilalaman sa pamamagitan ng patuloy na pagrerepaso at paglinang. Hindi layon ng Katagaan na lumabag sa karapatang-sipi ng Diksiyonaryo.ph; sa halip, ginagamit lamang ang nasabing datos bilang panimula sa lalong pagpapalawak at pagpapaunlad ng Katagaan at ng wikang Tagalog.

Layon

Mithi ng Katagaan na maging panaligan, malaya, at matuntunin sa wikang Tagalog. Inihahandog ito bilang hilway na pagtatangka sa pagbuo ng katagaang makataal, mapaglimi, at may galang sa katunugan ng wika. Nilalayon nitong maging kaagapay ng sinumang may tungkulin sa pagpapayaman at pagpapalaganap ng wikang pambansa, habang nananatiling kapilian sa lahat. Binuo ito nang sariling-sikap at hindi nakatatanggap ng anumang pagtaguyod o handog mula sa pamahalaan. Sumibol ito mula sa maalab na pagmamahal sa wikang Tagalog at iba pang mga katutubong wika sa Kapuluan.

Mga Mulaan at Sanggunian

  • Almario, Virgilio S. - UP Diksiyonaryong Filipino (2010)
  • Almario, Virgilio S. - Pambansang Diksiyonaryo sa Filipino (2021)
  • Komisyon sa Wikang Filipino - KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino (2021)
  • English, Leo James - Tagalog-English Dictionary (1977)
  • English, Leo James - English-Tagalog Dictionary (1977)
  • Santos, Lope K. - Balarila ng Wikang Pambansa (1939)
  • Paglinawan, Mamerto - Balarilang Tagalog (1910)
  • Stevens, Alan M.; Schmidgall-Tellings, A. Ed. - A Comprehensive Indonesian-English Dictionary, Second Edition (2010)
  • Blust, Robert; Trussel, Stephen; Smith, Alexander D. - Austronesian Comparative Dictionary Online (2023)
  • Zorc, R. David - Core Etymological Dictionary of Filipino (1979)
  • Potet, Jean-Paul - Tagalog Borrowings and Cognates (2016)
  • Potet, Jean-Paul - Arabic and Persian Loanwords in Tagalog (2013)
  • Potet, Jean-Paul - A Grammatical Pandect of Written Tagalog (2020)
  • Laktaw, Pedro Serrano - Diccionario Hispano-Tagalog (1889)
  • Laktaw, Pedro Serrano - Diccionario Tagalog-Hispano (1914)
  • Del Rosario, Gonsalo - Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (1969)
  • Panganiban, Jose Villa - Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles (1972)
  • Daluz, Eusebio T. - Filipino-English Vocabulary: With Practical Example of Filipino and English Grammars (1915)
  • Tavera, T. H. Pardo de - El Sanscrito en la Lengua Tagalog (1887)
  • Plasencia, Juan de - Doctrina Christiana en Lengua EspaƱola y Tagala (1593)
  • San Buenaventura, Pedro de - Vocabulario de Lengua Tagala (1613)
  • Noceda, Juan Jose de; Sanlucar, Pedro de - Vocabulario de la Lengua Tagala (1754-1860)